Okay sige aaminin ko na… EXCITED AKO! Pero before ko sabihin baket ako excited, ito muna.

Maraming nag-sasabi na may jinx na naka attached sa puwet ko kaya lagi akong nauudlot. Naudlot ako sa pagtangkad, naudlot ako sa pag-gy-gym, naudlot sa pagraduate sa college, natagalan bago nakapunta sa puerto na ang balita ko ay panget na pala ngayon.

Marameng beses na nangyayare itong ganitong sitwasyon sa akin, pero infairness natutuloy naman din… yun nga lang delayed.

Itong isang kaopisina ko, ay hindi pala siya nag iisa, fine! dalawa sila na matagal ko ng kakilala mahigit tatlong taon na. Alam nila pag excited na ako! At dahil sa sobrang excitement todo prepare naman ako sa mga events na ganun… Yun nga lang nauudlot nga!

Nung isang araw, pumunta ako sa isang embassy dito sa Singapore. May inasikaso akong mga papers na kakailanganin ko this coming weekend. Ang kaso hindi ako inasikaso dahil may kulang ako sa mga pinasa ko! WAHHH medyo madame pa naman tao that day at naghintay ako ng medyo matagal! tapos wala pang 2 minutes pinaalis na ako! JINX toh! I swear alam ko na JINX toh eh!

Nako napurnada pa ung plano ata this coming weekend! So Jinx talaga na ito!!! Kaya nag rush na lang akong asikasuhin ang mga kakulangan ko wahahahaha!

So kinailangan ko bumalik kahapon sa embassy na iyon para ibigay ang mga kulang kong papers! At infairness tinanggap naman na. THANK GOD talaga!

Kanina napa-isip naman ako, actually mali na sabihin na may Jinx ako… Kung may Jinx ako at kung cursed man ako, ano ang tawag natin sa mga kababayan nating walang makain at naghihirap?

I AM LUCKY! baket? kase nakakakain ako ng tatlong beses isang araw o higit pa. May bahay akong natutuluyan at kamang natutulugan. May trabaho akong maayos at kumikita. Hindi ko sinasabi na may Jinx o cursed ang mga taong naghihirap. Ang sinasabi ko lamang ay maswerte pa rin ako kompara sa iba, hindi ba?

Kung may Jinx man ako, at least natutuloy pa rin! Naudlot man! natuloy pa rin!

Hmmm o cge na nga may jinx na kung may jinx! Nasa Singapore ako ngayon, pero may Jinx ako! Pupunta ako ng Tokyo, Japan for a month pero may Jinx ako! Isang buwan ako doon for work pero may Jinx ako!

Napakagandang Jinx naman pala itong naibigay sa akin! Nauudlot pero natutuloy pa rin naman! Hhhhhaaayyy salamat ha… JINX!