Hay sobrang busy talaga ako lately… Buti na lang kahit pa sobrang busy ako, hindi ko nakakalimutang huminga. Aba good luck na lang kapag nagka ganun hindi ba…

Ang dameng ginagawa ngayon sa trabaho. Minsan iniisip ko kung baket kailangan pa kasi toh! Eh napapagod lang ako! Hay iba talaga kapag kailangan mo sa buhay ng pera! In short iba talaga nagagawa ng pera sa buhay ng tao!

Anyway, pasalamat na lang ako at buti naman at may trabaho ako kumpara sa ibang tao sa mundo na walang trabaho, naghihirap at nagugutom… Kaya let’s drink to that… wuuuhhhooo!!!

So last Saturday, weekend syempre… Siyempre nasaan pa ba ako kundi sa trabaho wahahahhahaha!!! Nakakadalawang Sabado na ako na may pasok… Though again okay lang! Bayad naman ang pagpasok ko! bwahahaha…

Ipapakita ko sa inyo ang work environment namin sa opisina… Hmmm… d ko alam kung bawal toh, pero maski na hindi naman nila malalaman na I took pictures sa loob ng opisina kase Sabado at kokonti ang tao! Tsaka isa pa inde naman mga server ang ipapakita ko kundi mga itsura ng desk namin sa opisina…

At ito pa ang ibang kuha sa ibang area naman! O diba kitang kita ka kapag hindi na nagtratrabaho ng boss mo! At kung mapapansin nyo may mali sa picture… oo tama kayo x-mas tree yan! Since 2006 December pa yan diyan… Para hindi na mapagod kame kaka tanggal-alis-tanggal-alis iniwan na namin diyan… wahahahahaha

Parehas kame adek nito sa Pictures! Tuwing may bagong camera, asahan mo ang laman na mga mukha ay mukha niya! Naalala ko noong bago ang 3230 ko na phone! Nako poh! Puro mukha niya ang nasa phone ko! Parang siya ang may-ari! Kase tuwing pumupunta ako sa wash room, nagkukuha itong babaeng ito ng self portrait niya sa phone ko… wahahahahaha

Last Saturday was okay, masaya naman kase kahit papaano hindi ako nag iisa… May mga kasama ako:

Ayan si Evan mas kilala bilang ebanster. At yung isa na kita ang bunbunan ay si Kenghun na Singaporean na kaopisina namin. Isa ring makulit na nilalang itong dalawang ito. Kaya pala ganyan ang itsura ni ebanster ay dahil tinatago niya ang kanya Lavender na damit na Pinoy super heroes! ehehehehe FYI terno sila ng Girlfriend niyang si Marvie noong araw na iyon.

Dumating din si Herbert noong Sabado, yun nga lang mga 15 minutes lang siya nag stay at umalis rin agad! Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya noong araw na iyon, pero sure ako dumating siya at take note, naka beret siya noong dumating.

Kung inaakala ninyo na magulo ang area ng mga kaopisina ko, ito ang tignan ninyo:

The worst area ever! Parang hindi na talaga inaayos. hayaan ninyo at pagsasbaihan ko ang nakaupo rito na ayusin naman ang gamit niya.

Oh wait, ano toh??? Damn! Magulo na nga area niya, pumasok pa tapos hindi naman nag wowork! Ito oh! Proof na nag brobrowse lang ang kamote! Wait ito ang clue kaninong site itong binobrowse niya hmmm…

Okay payn! I surrender! Area ko yan! Payn payn! So what! Busy ako eh! Love life ko nga hindi ko maiayos ng mabuti eh! Area ko pa!!!

Hay what a day! Sobrang busy talaga pero take note nakuha ko pa talagang mag picture-picture wahahahahaha  Haaayyy I need to rest na, at baka pag alis ko this Saturday papuntang Tokyo ay mag mukha na akong shrek!