Oh Yes! Nandito na naman ako para sa isang madugong pag-blo-blog… Gagawin ko muling platform ang aking blog upang ilabas ang aking mga saloobin.

Trabaho. Trabaho. Ang baho! Nakakasuka na! Ang dame kong ginagawa ngayon! Gabi na ako kung umuwi! Napapagod ako! Wala na akong time mag-psp, mag-internet, mag-blog, mag-vlog, gumawa ng scandal at ng kung anu-ano pa! na late tuloy ako sa pag download ng vlog ni Katrina Halili at Hayden Kho! Ay wait!? Vlog naman yun diba? ang galing nga eh! Parang totoong ginawa nila. Ay! totoo ba?

Lately ang dame ko talagang ginawa! Mahirap mag-trabaho pag hindi masyado marunong or mga bago ang mga kasama mo. okay lang kung marunong makinig or madaling turuan at mabilis ang pick-up. Kaso nakakahilo ang nangyayare sa akin ngayon. Kailangan ko magtrabaho araw-araw at tapusin lahat ng trabaho ko. Kabila nito, kailangan ko rin turuan ang mga kasama ko sa proyekto ngayun. kailangan ko silang i-guide at baka maligaw at mapunta sa biglang-liko. Kaya kadalasan nauubos ang oras ko sa kakaturo sa kanila kung ano ang pagkakaiba ng consent and without consent ng pagkuha ng video kapag nagtatalik. Mahirap kayang i-demo!

Tapos ito kayo, tumutulong ka na nga, late ka na nga umuwi, meron pang sira-ulong aangal at isusumbong ka sa pinaka-pinuno ninyo na nag-dulot ako ng delay sa proyekto namin dahil sa pagkakasakit ko!

Ang galing diba! Isang araw lang ako nawala! MGF na!!!

So nakarating sa akin na merong nagsumbong. Kinabukasan, pumasok ako ng parang walang alam. Ayun kinausap ako ng pinaka pinuno ko, at ganun ganun na lang ang daloy ng dugo sa ilong ko:

Pinuno: Kamusta ka?

Umleo: Okay naman ako. Kakagaling ko lang sa sakit pero okay naman na ako ngayon.

Pinuno: Pagod ka ba? Ang ibig kong sabihin, pagod ka na ba, kase kakagaling moalang sa isang malaking proyekto at ito na naman at isa pang malaking proyekto ang ginagawa mo.

Umleo: (Naka-smile) Hindi ko naman pwede sabihin na pagod ako. Dahil lahat ng tao dito sa kumpanya at napapagod rin naman. Kung sasabihin ko sa iyo na pagod ako, ang lalabas ay parang nagrereklamo ako. Hindi ako nag-rereklamo.

Pinuno: Ah okay. Masaya ka ba sa proyekto mo ngayon?

Umleo: (Napa-smile muli) Hindi ko ri pwede sabihin na hindi ako masaya sa proyekto ko ngayon. Masaya naman ako at may proyekto ako ngayon. Kung sasabihin ko sa iyo na hindi ako masaya, wala rin naman tayong magagawa dahil ito lang ang proyektong meron tayo sa ngayun. Kung sasabihin ko sa iyo na hindi ako masaya, saan mo naman ako ilalagay? Diba wala rin naman. So masaya na ako at may proyekto ako ngayon.

Umleo: Ano ba talaga ang totoong dahilan at kinakausap mo ako.

Pinuno: Ah! Dahil nag-dulot ka ng malaking abala sa schedule ng proyekto. Dahil ikaw ay nagkasakit. Siguro iwasan na lang muna natin ang magkasakit masyado.

Umleo: (Shock at medyo naiirita pero naka-smile pa rin) Delay? Anong Delay? Araw-araw tapos ko ang aking trabaho. May labis ngunit walang kulang. So anong delay ito. At isa pa, tungkol sa pagkakasakit ko, oo, katawan ko ito, pwede kong inumin ang lahat ng gamot sa mundo, pero kung may sakit ako, ay talagang may sakit ako. Hindi ko kayang kontrolin ito.

Natapos ang pag-uusap namin, na nag nonose bleed ako. Isipin na lang ninyo sa english ko sinabi yang mga salitang yan! WAH ayan tumutulo na naman ang dugo sa ilong ko, iniisip ko pa lang.

Medyo hindi ko matanggap ang sinasabi sa akin na nag-dulot ako ng delay sa proyekto ko dahil hindi naman talaga. So ano ang ginawa ni Umleo? Nireview ko lahat ng aking pang-araw na araw na gawain simula ng unang araw ng aking proyekto, nilagay ko sa Excel hanggang sa kasalukuyan. Kitang-Kita naman na walang delay sa mga gawain ko, except sa sampu na pending, down ang sytem at talaga namang wala kang magagawa.

So nasan si Delay? Nandun sa Jupiter nag-sa-sun-bathing!

O diba sino hindi mapapamura sa ganyang ugali! Anyway, at least napatunayan kong walang delay sa mga gawain ko! At on track pa ako! Hindi ako papayag na sabihan ako ng kahit sino ng isang bagay na alam kong hindi naman totoo. AKO MISMO! AKO MISMO ANG LALABAN AT AANGAL! Yun nga lang, wag sana ako matanggal! Wish ko lang.

Ngayon naman ang mga kasama ko sa opisina na pasaway ang nagiging cause ng migrane ko. Baket? Sus ako ang kanilang Tour Guide sa lahat ng kailangan nilang gawin sa kanilang trabaho. Ako ang tumatayong magulang nila sa pagtuturo kung alin ang tama sa mali. Pati ang mas mataas na posisyon ako ang ginagawang walking reference nya. Samantalang mababa lang ang papel ko sa proyekto na toh kung ikukumpara sa iba, hindi sa nagyayabang ako, though ipagyayabang ko pa rin, mayroon akong mas maraming kaalamanan kumpara sa iba kong kasama sa proyekto ngayon.

So ako ang cause-of-delay-walking-reference-tour-guide-parent ng aking proyekto.

Ang aral sa kwento ko, wag kukuha ng video kung maliit lang naman din ang makikitang parte ng katawan.

Ay hindi joke lang, ito ang tunay na lesson, kung maliit ang pototoy, tama yan, dilaan mo na lang.

At kung maliit rin ang dila, daliriin mo na rin.

Oppss… bago ko makalimutan, may mensahe ako kay Katrina Halili. Kat, (wow close) huwag kang mag-alala nakaganti ka naman na kay Hayden-the-hairy-little-thing, matindi ang pagkakasabunot mo sa kanya, infairness…

Anyway, sana ay okay kayong lahat. Namimiss ko na ang pag gawa ng porn at scandal, ay vlog pala. Sige see yah guys when I see you… caio!