Maraming nag sasabi sa akin madalas na bitter ako. Sinubukan ko namang tikman balat ko, di naman, maalat lang!

Bitter raw ako sa work, aba’y OO naman! Inaamin ko na totoo ito! It’s a well known fact. Kase naman, paanong hindi ka ma-bitter, isa kang contractual na nagtratrain ng mga tao sa loob ng kumpanya! Kamusta naman yun! At todong HOW’S THAT NAMAN! Tinuturuan mo ang mga taong mas malaki pa ang sahod sayo! How is that for a task! At since bitter ako…. basta abangan nyo na lang!

Bitter rin raw ako sa School ko, hmmmmm… I don’t think so! Iskolar kaya ako! TSE!!!

Bitter raw ako at inggit sa magagandang katawan ng mga nag gygym! Nag try ako mag gym pero parang walang nangyayare so I decided to stop it.  At isa pa, uso ang hipuan diyan so dibale na lang! Tsaka so what! Hindi ako ma-muscle but I love my VOLUPSCIOUS body noh! XD

Bitter raw ako sa mga naka Windows Ultimate!!! I DONT THINK SO! SOWSOW~!

Bitter raw ako sa love life. Kase kung hindi ako ma basted, iniiwan ako ng mga babae. Hmmm… Kung di ako iwan, eh pinagpapalit ako sa ASO. Ang hindi ninyo nalalaman, ang iba ako ang nang iwan! Ayoko kase ng puro sex na lang! At gabi gabi eh nag-do-do kami. Nadudungisan ang pagkatao ko! (Naks!)

Bitter raw ako pag may kinakasal, pag merong nag pi-PDA, naiinis ako. Pag may naglalandian in public napipikon ako. I don’t call it bitterness… I call it delikadesa!

Now its time to defend myself, sa tingin ko hindi ako ang BITTER! Ang buhay ko ang mapait at hindi ang balat ko! XD