Bakit kaya ganun. Minsan akala mo ito na yung… tamang panahon, yung tamang oras para sayo. Tapos hindi pa pala.

Yung tipong naramdaman mo na ito na yung hinihintay mo. Pero hindi pala.

Yung akala mo dumating na yung taong nararapat para sayo. Na siya na yung taong matagal mo ng hinahanap. Na siya yung magpapangiti at magbibigay ng kulay sa mundo mo. Yung moment na inisip mo, this is the kind of person I want to spend the rest of my life with. Pero hindi pala.

Na siya na yung right person para sayo. Inakala mo na siya na yung taong hindi ka iiwan. Yung hindi ka sasaktan. Pero hindi pala.

Inisip mo na siya yung taong magiging rason para gumising at bumangon ka sa araw-araw. Umasa ka na hindi ka niya paiiyakin at iiwan. Pero hindi pala.

Inakala mo na hindi ka niya kayang ipagpalit kahit kanino. Na masasabi mo na proud ka. Yung deserve mo, pero hindi pala.

Yung inakala mo na siya na yung makakasama mo na bubuo ng mga pangarap mo. Yung pangarap mong forever. Na siya na yung life time mo. Pero hindi pala.

Yung akala mo na kaya mo na. Pero hindi pa pala.

Hindi pa rin pala.