Breaking News

Monggo at Asin

Nakasakay ako ng taxi kaninang umaga,
Nakikinig ng radyo si Uncle (tawag sa mga Lalakeng Singaporian) na driver,
Dalawang Radio DJ ang nag uusap.
Ang sabi ng isa, ang advise nya sa mga Parents sa pnahon ngayun,
Huwag mahiyang humingi ng paumanhin o patawad sa kanilang mga sariling anak.
Hindi raw ito nakakababa ng pagkatao, kundi nakakapag paangat pa nga.
Hindi dapat mahiya ang isang magulang sa paghingi ng paumanhin kung may nagawang mali ito sa kanyang anak.

Sumagot yung isang DJ ng radyo, sabi nya,
Akala raw niya eh, tama lagi ang mga Magulang.
Sumagot muli yung isa, Hindi lagi raw tama ang mga ito.
At hindi siyang sang ayon sa buong ideya na tama lagi ang mga magulang.

Duon na putol ang pakikinig ko, dahil kinailangan ko ng magbayad at bumaba sa opisina ko.
Pero hindi ko maalis sa isip ko ang mga narinig ko.
Tama ba na okay lang humingi ng dispensa ang isang Magulang sa kanyang sariling anak?
Tama ba na minsan ay mali rin ang ating mga magulang?

Naisip ko, kailan humingi ng paumanhin ang aking mga magulang sa akin?
Kailan nangyare na kinailangan nilang gawin ito?
Ano ang pagkakamali nilang nagawa sa akin?

Buti na lang ang sagot ko sa mga tanong na ito ay puro “Wala”.
Hindi ako galit o nagtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko kung baket noon ay sobra sobra ang pag-paparusa sa akin.
Napaluhod sa asin, sa monggo habang nakaharap sa pader at may dalawang librong nakapatong sa aking mga kamay. Na sinturon. Napaputok ang labi. Naihagis sa bintana. Nakurot ng pinong-pino. Yan at iba pang pagpaparusa ang aking naranasan noong bata pa ako dahil rin naman sa katigasan ng aking ulo (sa itaas inde sa ibaba though matigas rin iyong nasa ibaba magpasahanggang ngayon). Ngayon ko naiintindihan kung baket kailangan gawin ito. Malamang kung hindi dahil sa pag didisiplina ng mga magulang ko ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Kaya imbes na magalit ako sa kanila ay nagpapasalamat pa nga ako at hinagis nila ako sa bintana noon. Hindi kinailangang mag-sorry dahil wala naman silang kasalanan. Ginawa nila itong mga ito upang tumino at dumiretso ang aking mga pananaw sa buhay. Ngayon sobrang saya na namin tuwing naguusap kame. Parang magbabarkada lang. Tama nga sila, pag tanda mo, tsaka mo maiintindihan ang mga magulang mo.

May mga kabataan ngayon na iniisip nila na, pinag-tri-tripan sila ng kanilang mga magulang na gulpihin o bugbogin. Hindi dapat kayo magalit sa kanila, kundi isipin mo ang iyong pagkakamali at paano ito matutuwid. Kung alam mong tama ka, maari mo rin namang sabihin ng maayos sa iyong mga magulang. Sigurodo naman kasi tayong makikinig sila sa mga hinaing natin. Oo, tama na minsan ay nagkakamali sila ng iniisip, pero dapat ay tanggapin natin ito bilang isang pagsubok sa buhay. Patunayan natin sa kanila na hindi tayo katulad ng iniisip nilang suwail na anak. Lahat ng ginagawa nila, asaham mo, pag tanda mo maiintindihan mo rin lahat lahat kung baket.

Dumating na siguro ako sa punto ng edad ko na kinailangan kong pasalamatan at ipakita ang appreciation ko sa aking mga magulang. Ayokong mahuli. Gusto ko ngayon na bago pa mawalan ng pagkakataon.

Salamat Ma at Pa! Love Lots! Hugs and Kisses pa!
At sa walang katapusang sessions tuwing dinner… Kase tuwing dinner na nenermon yang dalawang iyan.
Thanks you rin sa Monggo at Asin!!!

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …