Breaking News

SALOOBIN

Karaniwan na sa ating mga Pilipino ang maging matulungin lalo na sa panahong mayroong na ngangailangan sa atin. Nandiyan ang pagtulong financially, physically at emotionally or mentally yung tipong pagbibigay ng advice sa isang tao, aba ay pag-tulong na rin iyon noh.

Ang Pag-tulong ay hindi nagngangahulugan kinakailangan mong abutan mo ng pera ang kung sino. Marameng klase nito. Natatandaan ko, elementary pa nga lang tayo ay tinuturuan na tayo maging matulungin. Pag tulong sa mga nakakatanda tulad nila lolo’t lola na tumawid sa kalsada… Lagi kong naiisip yung picture sa isa naming libro sa Christian Living na akay-akay ng isang bata ang isang matandang babae na naka baston patawid ng kalye. Kaso kasabay nito pumapasok rin sa isip ko na, ‘di ba sabi nila Inay at Itay ay umiwas sa kalsada at baka tayo ay masagasaan… Buti na lang matigas ulo ko at di ko ginaya yung nasa libro na yun… Mas pinili kong sundin ang mga magulang ko, kaya Good Luck na lang kila Lolo’t Lola…

Baket hindi natin baguhin ang picture or drawing sa librong yun. Isang teenager or mga 20 plus na tao ang may akay-akay kay Lola patawid ng kalye. Or di kaya isang MMDA na may akay-akay na mga bata na patawid ng kalye… MAS SAFER YUN infairness!!!

Ngayon tumatanda na tayo, kailangan nating laging isipin kung ano ang makakabuti sa nakakarame, hindi pwede na puro sarili lamang ang ating iniisip. Hindi natin pwedeng sabihin palagi na wala tayong paki-alam… Minsan kailangan nating tumulong parang makuha natin ang isang bagay. Opppsss huwag kayong mang-ho-hold-up ng sama-sama ha! Takte na utak yan!

Sa mga kabataan ngayon, ang mensahe ko ay simple lamang, MAG-ARAL kayong mabuti, PAG-IGIHAN ninyo! Kapag ginawa ninyo iyan, hindi nyo lang matutulungan ang mga magulang ninyo, damay pati bansa natin, makikita ninyo!

Sa mga kasing edad ko naman! FYI inde ako 30+ ha!!! Huwag na tayong gumawa ng mga bagay na lalong magpapabigat sa katayuan o estado sa buhay natin… Mag -isip bago kumilos… Huwag na natin pahirapan ang sarili natin at idamay ang ating mga magulang! OH COME ON!!!! Tama na ang tambay! Sige ka tatanda kang panget!

Sa mga nakakatanda, tama na ang pagrereklamo, tayo naman ang kumilos! Makikita ninyo, laking tulong yan!

Hmmm… Meron pa akong isang saloobin, hindi ko na ilalabas baka himatayin lang kayo. bwahahahaha

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …