Breaking News

HEART ACHES

Hindi maiiwasan. Hindi mo matatakasan. Kahit kanino pwede mangyare ito. It doesn’t matter kung babae, lalake, bakla o tomboy ka! WALANG SINASANTO ITONG HEART ACHES na ito!

Minsan kapag nagmamahal tayo, may tendency na nabibigay natin ang lahat lahat. We give it all just to keep the relationship last long or even forever. Ginagawa natin toh, minsan nga lang hindi natin alam na nagagawa. Hindi siya mali in a sense na kase nagmamahal ka ng lubos.

Kung si God nga eh, lubos lubos na pagmamahal ang binibigay sa atin na kahit ilang beses na tayo magkasala, kahit ilang beses natin cya bigyan ng HEART ACHES eh napapatawad niya tayo at patuloy na binibigyan ng second chance.

Kailangan talaga nagtitira ka kahit konting respeto at pagmamahal sa sarili natin.

Minsan kapag hindi naging okay ang isang relasyon, iyak tayo ng iyak… galit na galit tayo. Kala mo pasan natin ang buong mundo. Feeling natin tayo na ang may pinaka mabigat na problema sa mundo.

Iisa lang naman ang rason kung baket ganun ang nararamdaman natin kapag nagkakahiwalay e. Dahil nagmahal tayo ng lubos. We expect so much from each other kaya kapag nagkahiwalay ay nagkakaganun. Kahit pa naghiwalay lang kayo dahil sa isang candy eh sobrang sakit na para sa iba.

I am not saying na we should not give it all pag nagmahal tayo at hindi ko rin naman sinasabi na give everything. Mas maganda yung sakto lang. Yung tama lang. Pero depende pa rin sa tao yan, depende kung paano siya magmahal ng totoo.

At the end, HEART ACHE happens for a cost and for a good reason.

We learn from it.

It makes us strong.

It makes us HUMAN.

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …