Kailan mo masasabi na ang isang bagay na gagawin mo ay tama o mali? Paano mo malalaman na maganda ang magiging resulta nito? Maganda kaya ang kalalabasan ng lahat ng gagawin mo? Paano kung maulit na naman yung mali?
Eh kung huwag na lang?
Eh bakit hindi mo ituloy kaya?
Marameng beses ko ng inisip itong isang bagay, na kung tama ba o mali. Natatakot ako, na kung itutuloy ko eh baka hindi magandang ang kalabasan.
Ang hirap, kase nasaktan ka na niya. Pero baket ganun ang hirap. Mahirap kasi may mga oras o minuto na naiisip mo pa rin siya. may mga panahon na naiisip mo kung kamusta kaya siya. Kung ano ginagawa niya. Kahit minsan may mga araw na bigla bigla maalala siya kase may nakasalubong ka na kala mo ay siya. O kaya naman minsan eh meron kang kaibigan na magbabanggit ng kanyang pangalan.
Hindi sa hindi ka pa naka move on eh. Naka move on ka na, masasabi mo yan kase hindi ka nasasaktan sa nangyare. Hindi ka na naluluha kapag naiisip mo yung nangyare. Naka move on ka na kase hindi ka na nalulungkot. Naka move on ka na kase….
Yun ang alam mo, “NAKA MOVE ON NA AKO!”
Ang dame na kasing nangyari, kaya kahit gustuhin kong bumalik eh di ko magawa. Kasi hindi ko alam kung tama pa ba o hindi. Hindi ko masabi sa sarili ko na “TAKE THE RISK!” kasi parang ako mismo ay natatakot. Iniisip mo kung tatanggapin paba siya ng pamilya ko? tatanggapin pa ba ako ng pamilya niya? Ang daming tanong na hindi ko kayang sagutin.
Hindi ko alam kung magiging masaya kaya ulit kame kung… KAMI?
Ikaw ano sa tingin mo? Tama pa ba or hindi na?