Breaking News

This is what it takes to be me…

Takot ako maging mag-isa. Pero actually the truth is mag-isa naman na ako talaga. I mean, single ako. Pero masaya naman rin ako most of the time.

Yun nga lang may tama yata utak ko. Meron akong separation anxiety. Ayoko naiiwan ako. Yung feeling mo na disregarded ka dahil may ibang focus ung mga tao sa paligid mo. Hindi naman rin ako attention seeker na kailangan sa akin lage ang focus ng lahat. Mas gusto ko pinaguusapan ang iba kaysa ako un topic.

Separation anxiety. ayaw ng naiiwan mag-isa. Ayaw maging lonely pero ok lang maging alone.

Sabi ng nanay ko, siguro ang nag-start nito is yung bata raw ako (mga 4 years old) naiwan nya ako mag-isa dahil kinailangan niya maging OFW. Pero wala kase ako memory na nun. Pero ang kwento niya habol ako ng habol at iyak ng iyak tuwing siya ay aalis at iniiwan ako sa mga kamag-anak namin.

Siguro nga dun nag trigger yun.

Pero ang mga naalala ko noon is yung feeling ko nung time na nagkalayo kame nun mga una kong naging kabigan. Si Andrew na taga UST noon, grade 1 ako noon. Though wala ako masyado memory rin about sa kanya ang alam ko lang is nagkalayo kame nanlungkot ako.

Then may sumunod si Mariel Copones na kapit bahay namin. Siya yung pinaka una kong naging kaibigan sa kalye namin. naging schoolmate at barkada kame ng kapatid niya. Then dumating yung time na nagkalayo kame kase napalayas sila nun tito nila sa aprtment nila at napunta na sila ng Bicol. Naalala ko noon, ang linya ko lage is, “Yan na nga lang naging kaibigan ko mawawala pa.”

Then lumipas ang panahon nalimutan ko na rin ung pakiramdam na ganun. Naulit lang uli nun nagkahiwalay kame magpinsan. Si Nicky. sobrang close kase kame nito. as in sa lahat ng kalokohan at iyakan at kadramahan sa mundo kasama at katuwang ko toh. Katukayo ko kase siya. Pero un nagkahiwalay kame kase may sapak rin sa utak tung pinsan ko wahahaha. Umiyak ako noon at nag mukmok.

Tapos ang mga sumunod na naalala ko, is yung mga iba kong kaibigan at pamilya na dumadalaw sa akin dito sa Singapore. Tuwing may aalis pabalik ng Pinas, ansama sama ng loob ko. Naiiyak ako at nalulungkot sobra.

Until now may mga times na inaatake ako ng anxiety kahit wala namang umaalis. I think grumabe ung anxiety ko na ung tipong maisip ko lang na magiging mag isa ako soon, eh anlake na ng apekto sa akin.

Having the thought of, na maging mag-isa, scares me a lot. Hindi ko alam kung baket pero it scares me. It gives me chills. It makes me cry a lot.

May sapak talaga ako siguro. Pero sinusubukan ko namang labanan most of the time yung pakiramdam na ganun. Kaso may mga times rin na yung tipong naiipon na siya dahil tinitiis ko then bigla akong sasabog at mag breakdown.

Sabi nila pilitin ko magbago. kaso it makes me think dba yun ako. Yun ako. Ayoko mag-isa.

So Diary Kong Online… buti na lang nandito ka pa, may nasasabihan ako. At least alam ko may willing pa rin makinig sa mga saloobin ko.

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …