Ang party na ‘di masaya, Third Party! Sa lahat ng kinalagyan mong party na hindi masaya, Third Party!!!
Bakit ba may third party? Bakit may pagkakaton kung minsan na mayroon ibang nakikilala ang iyong mahal at kadalasan ito ang nagiging rason kung bakit gumuguho ang iyong mundo ng pag-ibig?
Maraming rason yan kung bakit, pero iisa ang puno’t dulo niyan. Yung contentment. Hindi siya kontento. And isang napaka laking YES ang sagot sa tanong na kung hindi ka ba sapat! YES, HINDI KA SAPAT! Hindi ka enough. Hindi ka worth it para sa kanya. Masakit?
Masakit talaga kase yun yung totoo! Sabi nga naman nila the truth will always hurt.
Mahirap tanggapin pero yun yung totoo. Na hindi ka naging sapat para sa kanya. Hindi mo nagawang punan yung mga kulang sa buhay niya. You didn’t have everything. Kulang ka para sa kanya.
That is what you call reality. Pero hindi ka mali. It is not wrong to accept the fact na iniwan ka niya. Dahil hindi mo deserve ang isang taong minahal ka lang, para makompleto siya. Hindi ka isang piyesa ng puzzle na kokompleto sa buhay ng ibang tao. You are more than that. You, yourself is bigger than any jigsaw puzzle.
Always remember, tulad ng mga sinasabi ko noon, you deserve someone who is better. Paano naging better ang isang taong hindi kompleto at naghahanap ng kokompleto sa kanya?
Ang tamang tao is yung hindi na kailangan pang maghanap ng mga kulang sa buhay niya. Yung hindi ka sasabihan ng mga linyang “YOU COMPLETE ME”. Kasi ano yun, kaya niyang mabuhay with the rest of the world, then you are just an extra, a thing to make his/her world complete? Tapos pag nagkahiwalay kayo maririnig mo siyang sabihan ka nang, I NEED TO FIND MYSELF! IT’S NOT YOU, IT’S ME! Tapos after 3 weeks meron na siyang bagong bebe?! Nahanap agad yung self niya!? HUWAW!
Ampotah pabehbeh dbah!?
Mas magandang marinig yung “IKAW PA LANG SAPAT NA” kasi ibig sabihin nun kaya niyang mawala ang lahat basta nandiyan ka. Yung pakiramdam niya na kakayanin niya lahat basta kasama ka niya. Yan yung mga taong hindi na maghahanap ng ibang bagay sa buhay niya kasi nga IKAW PA LANG SAPAT NA!
Kaya stop blaming your self. Hindi mo kasalanan kung bakit hindi ka naging enough para sa kanya! Hindi mo pagkakamali yung hindi mo siya nakompleto! Hindi mo kasalanan na hindi siya nakontento sayo at hindi ka naging sapat.
LOVE yourself more than anything else. YOU ARE GOD’S CREATION AT SA KANYA, IKAW LANG SAPAT NA!
YOU ARE .