Madalas ako sa mga Disco at Bar noon. Naging gawain naming magpipinsan na pumunta sa mga bar at subukang makipagkilala sa ibang babae. Dati madalas ito lalo na kung may umuuwing bisita galing ibang bansa. Minsan may nilapitan akong babae at sinubukan kong makipagkilala. Maganda, matangkad at maputi itong babae. Ay siyet nung nilapitan ko biglang may humarang sa akin na nakakulay pula na damit na malaki katawan! Pakshet taken na pala! Aba’y ano namang malay ko ‘di ba? At least I tried!
Minsan naman may mga banat ako na ganito, “Hello, kanina mo pa ko tinitignan, type mo ba ako?” Ang resulta! Isang mahapding sampal mula sa isang babaeng nakatitig sa akin. Kase naman naghinala agad ako! Sus!
O isa pa, yang mini contest ko na Be A star in a Vlog! Wala namang nangyare! May premyo na nga! wala pang sumasali hanggang ngayon! Meron mga magbibigay ng entry pero kokonti pa lang! O tamang hinala na naman kase ako na sikat ako! Grrr…
Meron pa, yung poll sa broodonline.com kala ko walang boboto sa akin! Infairness! mali ako at leading ako Yipeeeee!!! Boto nyo pa ako bilis!
Nung last week end sumakay ako sa LUGE dito sa Singapore. Sa mga hindi nakaka-alam, ito yung sasakay ka sa isang bench papataas ng isang hill at after naman nun ay sasakay kayo ng cart pababa ng hill. Umpisa pa lang ayoko na kase takot ako sa heights! May phobia ako! Abay pakshet! Tama ako! Hindi na ako sasakay ulit dun! Ang taas sobra!!!
Marameng chances na nagiisip ako ng isang bagay na madalas ay mali ako sa bandang huli. And for all of these assumptions, of course, I am sorry. Pero ano magagawa ko, tao ako at nagkakamali rin naman ako. Sino ang hindi nagkasala rito? Taas ang paa!
Nung isang araw nag-stay late kame sa opisina kasama ang dalawa kong babaeng ka-opisina. Pag magkakasama ang mga magkaka opisina at magkakaibigan, natural na ang magtawanan kayo at magbiruan! May nakasalubong kaming Indian na matanda. Aba’y talaga walang ka anu-ano biglang nagsalita ang matandang ito, “What is the big laugh about? ‘Comment something about me?” Nge!!! Eh hellooo hindi nga namin cya kilala bat namin siya papansinin at pagtatawanan! Nakasalubong lang namin siya eh! Tamang hinala si Panot! wahahaha
Kinuwento ko sa isa kong kaibigan ang nangyare, ang dapat raw, ay sinagot ko ng ganito, “Why should I comment about you, you’re not a blog!”. Tawa ako ng tawa sa sinabi ng kaibigan kong yun! May TAMA siya!
O ito blog toh! bilis comment kayo!