Breaking News

Good Girl Gone MAD!

So yup natuloy nga ang concert Tour ni Rihanna dito sa Singapore. Which was okay by the way! Nanood ako. At napaindak sa mga kanta niya! Akalain mo naman kasing maupgrade ang aming upuan sa much closer seats! Which means kokonti ang nanood! Pero hindi naman negative yun dahil hellloooo Singapore po ito inde Pilipinas! kokonti lang ang tao dito…

Anyway may mga ilang parts lang sa concert na napa iling na lang ako dahil sa pikon! Unang una! Ang mga taong nanood sobrang excited as in! Bukas pa ang ilaw sa Dome eh sumuisigaw at tumitili na sila! DUH! Para namang lalabas agad yung Bida kung humiyaw man sila. Lalo na tuwing nagpapalit ang pinatutogtog na kanta, HIYAW! Nag-mic test, HIYAW! Pinatay ang ilaw, HIYAW! Natalisod yung babae sa hallway, HIYAW! tsk! PHAIL!

Then, sanay ako sa tuwing may concert eh merong front act, yun yung mga tipong nagpropromote or mga baguhang singer or artist na nag peperform before the main event! Ginagawa ito para hindi ma bored ang mga tao kakahintay sa main event! At para na rin toh sa pag promote sa kanila para makilala ng mga tao! So ayun na nga pinatay ang ilaw, HIYAW! Kala ko tuloy wala pa! Sabi ko sa mga kasama ko, ano ba yan front act pa lang eh overjoyed na mga tao! Parang walang bukas! Hmmm this time I PHAIL! Nag-start na siya!

After the 10 seconds of the intro song, which was Disturbia! By the way! eh We noticed Rihanna’s voice is missing! Second voice lang naririnig namin! Kala namin kasama sa act yung d cya kakanta habang binababa cya mula sa isang malaking poste! Then when she got down! We realised na wala pala cya talagang mic! I mean hindi gumagana ang mic niya! So ang scenario! Irita ang Lola ninyo! ito ang kabuuan ng pagkaka-PHAIL ng Disturbia!

pagkatapos naman ng PHAILURE nyang ito eh nagsorry si Rihanna, so okay na rin, kase di naman niya kasalanan yun! Its so technical! Pero dapat raw ay kinuha na lang niya yung mic nung back up niya! Though alam naman natin na iba ang pagkakaset-up sa mic nung lead singer sa mic ng mga backup! Baka kase another PHAIL na naman kapag nagkaganun! Mag iiba boses niya! Boses Pekpek which ayaw niyang mangyare! Pero okay lang naman din kung ganun ang boses niya gamit ang mic ng back-up niya. Edi sabihin nilang concert/live version ng Disturbia! wahahahahaha PHAIL!

So we were expecting 3 hrs. of Singing and Dancing! Ang kinalabasan, 1 hr and 30 mins. of Singing, walking, Emoting, and Audience participation. Natatawa ako. Kala mo eh singing contest at kailangan malaki ang percentage ng Audience Impact! Wala cyang ginawa kundi itutok sa audience yung mic para kumanta kame! hellooo!! edi sana ako na nag concert! Sus! Eh ang audience naman dahil nga super hyper sila sa kakahiyaw, ayun kanta naman sila. Nakalimutan ata nila na sila ang nagbayad para si Rihanna ang kumanta! Though sanay naman tau sa audience participation during concerts, like pinapaakyat sa stage para makipag show down or minsan nga ay pinapakanta! Pero hindi naman every Stanza eh may audience! Though di ko siya masisi kase nga 1hr30mins lang yung concert, so ano ine-expect namin edi tuloy tuloy ang pag kanta niya for the whole event! Siyempre napapagod din cya! Tuloy yung kanta niyang Umbrella, ang kinalabasan, eh: “Umbrella Ela ____ Eh ______ eh _____ eheh” PHAIL! SUPER PHAIL!

So overall the concert was still okay! Natuwa pa rin ako kay Rihanna. Maganda boses niya in a way na iisa boses niya sa live and sa recorded. And talagang magaganda ang mga kanta niya! Nakakaindak! Yun nga lang bitin! Sobrang bitin na we wanted more. I think its the production’s fault kung baket ganun ang kinalabasan ng ibang parts nung concert. Hayyyssss! Sana sa Pinas na lang ako nanood! Tsk! Hang over toh! LSS!!! Bum bum be-dum bum bum be-dum bum!

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …