Marami sa atin ito ang tanong. Paano malaman kung naka move on ka na? Or kung paano ka makaka move on sa isang panahon or sitwasyon na iyong pinag daanan. Yung sitwasyon na mahirap, malungkot, nakakaiyak, nakaka-depress.
Lahat tayo dumaan sa ganyan. Yung akala mo eh katapusan na ng buhay mo. End of the world mo na. Yung andame mong katanungan, marame kang baket, marame kang paano.
Pero ang totoo hindi ka nag-iisa. Hindi lang ikaw ang dumaan sa ganyan. Marame TAYO!
So paano mo nga malalaman na naka move on ka na?
Kapag kaya mo ng banggitin or pag-kwentuhan ang mga moments na yun na inde ka nasasaktan. Yung hindi mo na na re-relive yung feeling mo na lungkot. Yung kaya mong idaldal ng deretcho ung mga nangyare ng wala hesitations dahil wala na yun sa iyo. Yung napapailing kas lng at naiisip mo na sira ulo ka talaga sa mga panahon na yun at baliwbaliwan ka lang talaga that time. Pero meron rin naman mga ibang nilalang or tao na tahimik lang. kung isa ka dito, pwes kung di ka naman nasasaktan ng marinig ang mga kwento or kahit ung pangalan niya… Pasado ka na sa point na toh. Openness? Check!
Yung willing kang makita at makausap ulit yung taong nakasakit sayo. Matapang ka na kase harapin yung mga pagkakamali ninyo noon. Kaya nyong pag usapan at iopen up ang mga nakaraan at patawarin ang bawat isa. Yung hindi ka na nag iisip ng mga bitter things about him or her. Yung kaya mong sabihin na kung makita mo siya, ngingiti ka lang at mapapa-Hi. Yung inde na importante sayo kung sino ang mali noon mga pnahon na yun. Hindi na importante sayo kung nasaktan ka niya o nasaktan mo siya. Ang tawag diyan, pagpapatawad. Pagpapatawad sa minahal mo at sa sarili mo.
Kapag nalimutan mo na ang mga bagay tungkol sa kanya. Birthday! Anniversary! Address! Phone Number! Shampoo na gamit niya! Deodorant! Favorite na food, color, place! Apelyido! Pangalan! Lahat lahat!!! Sabi nga nila, Forget and Forgive. Hindi mo masasabi na napatawad mo na ang isang tao kung hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga bagay bagay. Lalo na yung mga bagay na nakasakit sayo. Hindi yung tipong pag nakakita ka ng bote eh naiiyak ka pa kase naalala mo na ipinukpok niya sayo yung mga bote na nadampot niya noon. At kung stalk ka pa ng stalk rin, nako! Iisa lang ibig sabihin niyan, chinecheck mo kase gusto mo ma-update about that person! Kung nasan siya! Kung may iba na siya! So dapat forget mo na dapat siya. The process towards forgiveness is forgetting. Pagpapatawad? Check!
Yung tipong di ka na naghahanap ng panakip butas. Yung hindi ka naghahanap ng kalinga mula sa iba. Yung alam mo sa sarili mo na may tamang taong darating para sayo, at hindi yung nawala yung para talaga sayo. Yung di mo na iniisip yung mga moments ninyo together tapos mapapa “Haysss sayang talaga!”. Yung di ka na nanghihinayang sa pera at panahon na inukol mo para sa kanya. Yung kahit ilang beses mo marinig na kumakanta si Moira Dela Torre at kantahin ang kantang “Malaya” eh okay ka lang.
O ito sample na lang, try natin:
Kapag kinaya mo pakinggan ang kanta na yan ng buo ng walang iniisip na iba at nararamdaman, okay ka na. At tandaan kasama na dito ang ilang beses ka asarin ng mga kaibigan mo, eh hindi ka na napapamura, ang tawag jan, Pagtanggap? Check na check!
Ito yung hindi mo na tinatanong ang salamin kung anong ginagawa mo sa sarili mo. Yung kaya mong humarap sa salamin at tumawa at humalakhak. Yung pag naliligo ka, hindi ka na nag wa-walling habang sinasambit na ang dumi dumi mo! Yung di ka na nalulungkot, kundi puro happiness ka na lang at positiveness. Yung iniisip mo na kahit nasan man siya ngayon, you are happy for that person. Masaya ka sa kinalalagyan mo ngayon. Yung kaya mong pagsigawan sa mundo na, “Oo! Single ako!” Pagiging positibo at masaya! Dapat check yan!
Yung alam mo sa sarili mo na may natutunan ka sa nakaraan ninyo. Yung mga Dos and Don’ts. Yung alam mo na dumaan sa iyo ung ganung karanasan para matuto at malaman ang mga mali at tama sa isang relasyon.
Pang-huli sa lahat, yung di ka nawawalan ng pag-asa at you are still hoping na merong isang tao na nakalaan para sayo! Pangangarap. Malaking-bold-na-check!
Kung lahat ng ito, nalampasan at nagagawa mo na. Iisa lang ibig sabihin niyan, ALAM MO NA!
Pero kung wala ka pa sa mga stages na mga nasabi at nabanggit ko, relax ka lang. Iba iba ang length ng tinatagal ng process ng pag-move on. Hindi yan minamadali. It takes time to heal. Give yourself time and credit kahit papaano. Walang masama kung hindi ka pa nakaka move on. Ang mali lang is kung wala yung willingness mo na mag move on.
Kahit gaano pa katagal yan, lumilipas ang sakit at naghihilom ang mga sugat. Kaya huwag mo kamutin yang sugat para di na muli dumugo! Idaan mo sa ligo! Huwag sa kamot!