Breaking News

Hulog

Hirap intindihin kung minsan, yung takbo ng buhay. Lungkot, saya, takot at kung ano-anu pang pagdadaanan mo along the way. Mga butas na minsan di ko maiwasan na ma-hulog. Pero kahit ilang beses pa ko magkamali, naiisip ko na napaka-raming biyaya na ibinibigay. Kaya kailangan kong bumangon at pilitin na maging okay.

Ang buhay ko parang isang napaka habang daan. Marameng lubak, marameng pa sikot-sikot. Minsan kakanan ka, kakaliwa ka o minsan atras o aabante ka. Paulit-ulit lang. Okay lang naman mahulog kung minsan sa mga lubak na yan, basta kailangan kong matuto from it. Para sa susunod na makita kong maputik at malubak ang madadaanan ko, eh alam ko na paano lampasan at iwasan ang mga lubak.

Minsan kase di ko maiwasan mahulog sa mga lubak. Well, sabi ko nga kadalasan, you just have to have Faith in something that will keep you going.

Importante na isipin mo yung mga blessings na ibinigay sayo. Be thankful kahit sa maliliit na bagay. Iniisip ko, ito naman yung mga Hulog ng Langit sa akin. Mga tulong mula sa Kanya. To remind me na hindi niya ko pababayaan. Na kahit may mga hinahanap ka na hindi mo alam kung alin o ano ito, eh nandiyan Siya. Naka suporta.

Sabi ng isa kong kaibigan, minsan kailangan mo sumigaw para marinig ka nung nasa Itaas. Tawagin mo Siya at isigaw mo kung ano ang kailangan mo. Kase sa pag sigaw mo sigurado maririnig ka Niya.

Ginawa ko yan, literal! Mukha akong gagu pero ginawa ko…

Hanggang sa isang araw, maiisip mo na lang na parang dinidinig na Niya yung hiling mo. Parang mga anghel na inihulog para sa iyo. Na parang biglang gagaan ang lahat ng pinapasan mo.

Lilipas ang panahon at mga araw na parang napaka ikli.

Then you will realize nahanap mo na yung matagal mong hinihanap. Na may kasagutan na pala sa hiling mo. Na siya na yung kasagutan.

Na sa bawat pag-kanan at pag-kaliwa mo sa buhay mo. Eh iisa yung tinatahak. Ilang beses ka man mahulog sa mga lubak, marameng bagay ang darating para sagipin ka na parang mga anghel na hulog ng langit.

Tapos isang araw, mararamdaman mo na pati sarili mong IKAW, hulog na rin. Alam mo na hulog ka na kase ibinigay na Niya yung kasagutan. Kasagutan sa matagal mo ng katanungan. Na nahanap mo na yung matagal mo ng hindi nakikita.

Kaya alam mong hulog ka na….

HULOG KA NA.

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …