Breaking News

Law-Abiding Citizen

Simula na naglabasan ang balita tungkol sa Republic Act No. 10175 na tumutukoy sa nilalaman ng Cybercrime Law, ay puro pambabatikos ang natanggap ng ating Gobyerno.

Dahil siguro ito sa clause na nauukol sa Libel or Paninirang Puri na pwede kang makulong ng 12 years kung ikaw ay mapatawan. Kasali sa batas na ito ang Freedom na ipost ang iyong mga saloobin ukol sa isang tao o bagay. Maraming nagsasabi na ito ay against sa Freedom of Speech. Kasali rito ang iyong blog, comment, facebook, twitter at kung anu-ano pang mga social media networking stuff. Kahit ang mga simpleng pag-re-post or pag-like sa post ng iba ay inde na uubra.

Hindi na pwede sa Pilipinas ang mag post ng kahit anong makakasira ng imahe ng isang tao.

Actually marameng magagandang nilalaman ang batas na toh. Ngunit ang focus ng lahat ay dito sa Libel section na nasasaad.

Maraming nagsasabi na ito na ang simula ng pagkamatay ng Freedom of Speech sa ating bansa.

Sa aking opinyon, hindi ko rin maitago ang aking pagka dismaya sa batas na ito. Hindi ko mapigilan mapa-isip baket kailangan isama ang mga ganito gayong napakahirap nito imonitor. Ngunit wala naman akong magagawa dahil isa lamang akong simpleng mamayanan, na sunod-sunuran sa ating Gobyerno. I can’t do anything except to follow the rules as it stated. kahit namna magpadala ako ng milyon milyon sa Pilipinas upang makatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ay walang magagawa ito dahil nandiyan pa rin itong batas na ito.

Ang sabi ng iba, yung mga kumokontra sa Cybercrime Law, dapat umattend kayo ng Hearing Sessions from the Lower House up to the Senate kapag may hearing regarding dito sa batas na ito. Paano naman yun? kamusta!? kasya ba kaming lahat sa venue?

Sana nga ay makabuti itong batas na ito sa ating bansa. Let’s all hope and pray na this Law was Approved not to suppressed the freedom of Speech but rather help to improve our Judiciary System in the Philippines.

Ikaw? Sang ayon ka ba or hindi?

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …