Placeholder

Excited si L.A.?

Tae! Tae talaga! As in Tae! Baket? Wala lang, expression namin magbabarkada yan eh! Kaysa sabihin namin in-english eh mas hindi bastos at masama pakinggan kapag TAE lang ang sinabi! So kapag sinabi mo sa kaibigan mo, “TAE KA NAMAN E” o dba mas nakakatawa kumpara sa nakakainis na “SH*T KA NAMAN E”. Sino nagpauso ba nito? Ewan ko basta si Momon mahilig mag-sabi ng “TAE KA!” or minsan naman english nga pero tagalog version na “SIYET KA”.

O teka, baket nga ba excited si L.A.? Ewan ko basta excited ako! Kase nabalitaan ko may lalabas na bagong Mac Book Pro! Now hindi na ako nahihiya ipagsabi na nagbalak akong bumili last week ng mac book pro at na-decline ang aking credit card. Dati dissapointed na parang napahiya ako! But now, chest-out kong sasabihin na “BUTI NA LANG!”… Na-imagine ko pa nga si Angelina ang Spoiled Brat ng Bubble Gang na sinasabi sa akin, “L.A., You’re such a Loser!”, kaya ngayon na may balita na ganito, na-imagine kong sinasagot si Angelina ng, “Whatever Angelina! There will be this new mac book pro soon, and stuff like that, so I don’t care!!!”

Oo, may rumor nga na kumakalat na lalabas na raw ang pinaka bagong Mac Book Pro this year before the X-Mas Holiday. So hihintayin ko ito! May iba pa ngang nag sasabi na Oct. 14 raw ito magaganap!

Pero baket nga ako excited masyado?! Hindi ko nga alam! Kulit nyo rin eh noh! Hindi naman ako Mac User! Windows user ako! Pero balak ko mag-palit! Kase ang dame ko ng naririnig na magagandang balita tungkol sa Macintosh na ito! Yun nga lang pag di natuloy, “Tae kayong mga nagkalat ng rumor na yun!”

So kailangan ko ang tulong ninyo, upang masagot ko ang tanong ko sa sarili ko, kung baket excited si L.A. ngayong taon na ito, MacBook or Windows laptop?

Ang hindi sumagot sa Poll na ito! Magiging impotent! Ay imposible naman ata yun? Lalo na kung mattas talaga ang libido ninyo. O sige magiging kamukha ko na lang!!!

Leave a Comments