Placeholder

Post Birdie Party Post!

Wala pa rin akong laptop so kung delay man itong post kong ito! Aba pasencya kayo! Eh ngayun lang eh! Hayyyyss miss ko na ang laptop ko! Miss ko na ang DOTA, miss ko na ang Youtube! Pati Porn ko! Buti na lang meron akong scandal sa phone ko! Kundi nako kaong na ito!

Hindi lingid sa mga mambabasa ko na kakatapos lamang ng aking Araw ng kapanganakan. Ito ung post, tungkol sa aking paghihintay ng aking kaarawan (click here). Ang panahon ng aking kaarawan ay nalalapit rin sa araw ng mga patay. Hindi ko alam kung sinadya ni Lord na gawin ito, so hindi ko siya pwede sisihin. At hindi ko rin naman pwedeng sisihin ang mga magulang ko kung baket nag make-love sila ng buwan ng Pebrero, dahil buwan ito ng mga malilibog, este buwan ng mga puso pala. O sige bilangin ninyo sakto na kabuwanan na ng aking inay kung saktong Pebrero sila nag-make-love ng tatay ko.

So nag-birthday nga ako, at siyempre may party. Yun nga lang dahil malapit na rin ang Undas naisipan ng mga Party Animals na pagsabayin ang halloween party at birthday ko!

Ang mga organizers trip na trip ang idea na ito. Mag-costume party raw kame para mas Ma-Garbo ang birthday party! So no choice ako ang celebrant so kailangan naka costume. Balak pa nga nila na para raw special and grand ang aking entrance ipapasok raw nila ako sa kabaong at ipapadeliver nila ako sa venue nung party, pagbukas ala may patay! Taena buti na lang hindi natuloy! Ayoko nga maramdaman yung ganun! Baka matuluyan at magkamali ung magdeliver at sa sementeryo ako ideretso! Buhay pa ko, inililibing na!

Merong Witch, Mummy na naka-sando, Naka Wicked Step mother raw ni Snowhite, meron din si Kamatayan. Tsaka si Wedenesday ng Adam’s Family dumating din, Meron din na The Nun! Na nagmukha lang siyang monk. At ung isang naka wedding gown eh siya yung sa Sukob na multo. FYI, kapag pinatay ang ilaw cya ang pinaka nakakatakot sa lahat! Ako naman eh si Count Dracula! Since yun raw ang pinaka sikat na character kapag halloween. So para unique yun raw ako. Eh merong isang pa-pam-pam na nag costume ng Dracula rin. Anyway ok lang dahil mas maputi ako sa kanya that night! Meron pa palang ibang dumating tulad nung character sa Scream!  Na imbes matakot ako eh asar or pikon ako… Kase inde na tumatak sa utak ko yung movie na Scream, kundi ung Scary Movie na ginago itong maskara na toh! Diba malakas mang alaska ung nakamaskara duon. Kaya tuwing dumidikit sa akin itong naka maskara na yan sinasabi ko talaga na lumayo siya at baka masapak at masipa ko siya. At dumating rin ang mga kontrabida sa buhay na naka maskara! Pero pinaka nakakainis na costume eh yang si Mickey Mouse! Hindi ko alam kung baket nakarating yan sa Party!

bawat isang costume ay may kwento, lalo na ung naka madre! Diba ang mga madre may naka ikot sa waist na tali at may naka sabit na malaking cross. O meron cyang ganun, at sa sobrang kakulitan at kalikutan eh ung cross ay napunta sa gitna. Imaginin nyo na lang na isang madre may cross sa area ng private area nya! Tinanong ko pa nga cya, “Mother Superior baket po may T kayo sa pepe?” (Hindi ako bastos! Yan lang talaga ang tagalog ng area na yun, eh anong gusto niyong sabihin ko diba!)

Enjoy na enjoy ako that night, madameng nalasing, hmmm hindi ako kasama sa nalasing dahil busy ako sa kakatawa sa mga kasama kong lasing! Pangalawang taon ko ng birthday ito na hindi kasama ang pamilya or sinomang kadugo ko.

Since tapos na ang birthday ko at panahon na ng Undas… Its a sign, na nalalapit na aking pag uwi sa aking inang bayan! Yeeebahhhh Lashenghot na naman toh araw araw! wahahahahahaha

Kung tatanungin nyo ko kung ano ang Birthday wish ko? Hmmmm wag muna ngayun! Sabihin ko na lang sa inyo pag natupad na ang 25th Birthday Wish ko. :p

Leave a Comments