Lately hindi ako makatulog ng maayus! Laging late ang tulog ko! Putcha pagkagaling sa opisina, deretso uwi sabay tulog! Pagpasok ng 11PM hayyyssss tae naman kase nagigising ako sa hindi ko maintindihang rason, ayaw mag dere-deretso sa pagkakatulog! Next na pagdalaw ni Antok ay mga 5AM na! Eh Gud luck naman yun! Gising ko is 8AM! Dahil kailangang pumasok sa trabaho! Hindi ko alam ang tawag sa sleeping disorder na toh. Ang alam ko lang for sure Basag na naman ako sa opisina nito!

basag_coverSa nakaraang Chinese New Year, hindi ako nag travel at lumabas ng SG. Baket!? BASAG kase yung budget ko for this month of January! So ang ano ang ginawa ko? Yun, nagpaka-lasing… Hanggang makalimutan sarili kong pangalan. Pati mga pangalan ng mga kasama ko nakakalimutan ko… Pero infairness inde na ko katulad noon na humihiga kung saan-saan. Ganun kase ako malasing noon, OA! Ang masama eh yung uuwi ako ng nakainom pero hindi pa ko dadalawin na naman ni Antok, kaya nag o-online na lang ako, pero nakatitig lang sa desktop wallpaper ng computer ko. YAN ANG BASAG!

Nabitawan ko nga pala yung isang baso sa bahay nung isang araw! WAH! Ayun, siyempre, basag!

Meron akong isang tropa na nakasama nung naginuman noong last weekend, inantok na sa kinauupuan nya dahil late na! Pero since duon naman cya nakatira, naisipan kong basagin ang kanyang pagkakatulog! Binuhasan ko ng isang basong Sprite sa mukha…. Ayun muntik ng basagin ang mukha ko!

Ah eto na, yung area namin dito sa opisina napupuno na talaga ng mga “Pana”. Namputcha, ito ay hindi nakakabuti sa health I think! At sa tingin ko may koneksyon toh sa sleeping disorder ko… Kapag ikaw ay napapalibutan ng mga lahi na ganitong klase, kailangan may sarili kang dalang oxygen tank plus dextrose. Mahirap huminga. Nakakabasag Nostrils ang odor. Yan ang isa sa mga malaking problema ko ngayun dito sa opisina. Full Blast Aircon + 20 Pana + 40 Underarm Odor = BASAG NA KALULUWA! Parang near death experience, prawmis!

Oo, sige na, aaminin ko na rin, basag pa rin ang love life ko? O eh ano ngayun!? Love life mo ba toh!?

Siyet! Basag na Mukha, Basag na Diet, Basag na ilong, Basag na sex life,  Basag na utak. Ano pa ang pwedeng basagin!? Sige basagin nyo na lahat!

Sana sa mga susunod na mga araw, linggo, buwan, at taon, eh umayos naman ang buhay ko! Yung tipong more blessings! Ayoko magising isang araw, na basag na buhay ko! Ayoko mamatay na basag! Ano na lang sasabihin ni San Pedro pag-nag-EB kame?