Bills! Bills! Bills! Lagi na lang may bills! Buwan-buwan na lang may bills! Lalo na yang phone bills na yan! Ang mahal-mahal! Ang laki ng binabayaran ko monthly! crazy right!? You have to pay for different services na hindi mo alam exactly for what. Sample, sa phone bill ko makikita ninyo ang Caller Number Display!

Putcha kung hindi ko i-avail toh, ibig sabihin hindi lalabas ang number sa phone ko!? At magiging useless ang Address Book ko. Bwiset! Hiniwalay pa talaga yang service na yan!

Ang air ang ginagamit ng mga telecommunication companies para makatawag ka sa iba-ibang lugar. Pinadadaan nila yung mga ionized channels or signals sa hangin papunta sa iba’t ibang lugar!

Putris yan! Hangin na libre noon! Ngayun binabayaran ko na! Though alam ko ang binabayad ko ay hindi naman sa hangin napupunta kundi sa mga ginagamit nilang tools! Pero maski na! CHE!

Tama nga siguro sila, kapag tumataas ang sweldo ng isang tao, tumataas rin ang lifestyle nito!

Noon, hindi ako ang nagbabayad ng cable! Ang tatay ko ang nagbabayad nyan! Ngayon ako na nagbabayad ng sarili kong cable! Bwiset yan!

Noon wala naman akong binabayaran na telepono, wala akong iPhone! Kontento na ako sa Landline na may party line pa nga! Ngayon tatlo pa ang telepono ko! Bwiset yan talaga!

Noon, kontento na ako sa 256kbps na internet noh! Sanay ako sa Prepaid! Bonggang-bonggang ISP Bonanza cards ang naipon ko noon! Kakalaro ng ragnarok na yan! Ngayun naka wireless pa ako! Lintek yan!

Noon hindi ako ang nagbabayad ng kuryente! Okay lang sa akin kahit may rotating brownouts pa! Eh ngayun? Ako na nagbabayad ng sarili kong kuryente!

Noon sosyal na ako kapag nakakakain sa Jollibee. Ngayon lintek yan may pa reatuarant restaurant pa ako!

Sigh!

Mukhang sumosobra ang bills bills na toh! At isa lang naiisip kong paraan!

Ang mag-walkout sa aking trabaho at humanap ng iba! Hahanap ako ng magpapasahod sa akin ng sapat para sa lahat ng gastusin na toh! Hahanap ako ng kumpanya na hindi ako titipirin!

And now I am officially announcing! Lilipat ako ng KUMPANYA!!!!! At mag sisimula ako ng May 10, 2010!

Ang kinakatakot ko lang! Sa pagtaas ng sahod na toh, baka naman pati lifestyle ko tumaas na naman!

Lord, tama naman na po…. Wish ko po, this time, hmmm… contentment.