Breaking News

Anong Bago?

At ayun na nga mga kabalut! New look new me raw tayo! Dahil New Year!

Pero March na, kaya new me na lang ang bagay!

Magpapakilala na naman ba ako!? hmmmm… Hindi na siguro. Kaya ka nga napadpad dito kasi sinusubaybayan mo ko bwahahahaha…

So, ano nga ba ang bago?

Una, fresh start! Yes! Tama ka ng pagka-kabasa. FRESH! It’s anew for me. In the past maraming mga lumipas na hirap at mga pagkakamali sa buhay. Mga wrong choices along the way. But what is important is, matuto ka sa mga pagkakamali mo, at huwag mong hayaan na maulit ito. May mga event sa life ko na, I am not so proud of. Pero again tao ako, at nagkakamali. And for that, I am sorry. Kung isa ka sa nagawan ko ng mali along the way, I am sorry. If nasaktan kita, I am sorry.

Ang susunod naman na bago is, hindi na lang ako blogger ngayon, kundi Streamer na rin. Pero hindi tayo sikat ha. At wala akong plano sumikat. Ginagawa ko lamang ang pag blog at stream para ma-vent out ko un mga energy na naiipon at hindi ko nailalabas… Mentally and physically. At isa pa masaya mag-stream, marami ka nakikilala. Na i-share ko mga blessings ko sa ibang tao. May napapangiti, napapatawa, napipikon, naasar at napapaiyak kung minsan. Iba’t ibang emosyon sa isang hobby. And for that I am thankful.

Lastly, ang pinaka bago is yung pagiging masaya sa buhay. Mayroon akong pamilyang naka suporta. Mga taong alam kong nandiyan at hindi ako iiwan. Na kahit ano mang pagkakamali at mga bagay na gustuhin kong gawin ay nariyan. Wala kasing katumbas yung ganitong bagay eh. Walang pwedeng ipalit dun sa happiness na nararamdaman ko. Kaya masasabi ko na, I am happy.

Iilan lamang toh sa mga bago sa buhay ko.

Eh ikaw anong bago sayo? Tara kwento mo yan at i-comment sa ibaba!

About umleo23

Check Also

Are You?

Ang party  na ‘di masaya, Third Party! Sa lahat ng kinalagyan mong party na hindi …