Sabi ng iba masyado raw akong mabait. Minsan may sumpong pero I never missed a day to do good things in a day.
Noong high school ako kasama ko ang best friend ko na si Mariel Copones tuwing papasok at pauwi. One time nakasakay kame ng jeepney at pauwi na sa may 7/11 sa Muñoz, napakalakas ng ulan noon, kaya basang basa na kameng dalawa. Meron rin kaming nakasabay na mga tao na sobrang basang basa na ang mga damit, 3 matanda at 1 bata. Sabi nung isang lalake sa amin na tatay ata nung bata eh kung pwede raw mahingi ung T-Shirt ko na pang-doble ko sa polo ko, para dun sa bata dahil basang basa na ito. Hindi ko binigay, ang ginawa ng best friend ko, cya ang naghubad ng polo at tshirt sa jeep at binigay ang tshirt sa bata. Eh sakitin pa naman ung best friend kong yun, sipunin. Sabi nung tatay nung bata God bless raw sa best friend ko, at sa akin naman eh ang sabi nya eh bahala na si Lord sa akin. Aba’y akalain nyo yun!? Eh Tommy Hilfiger ung damit kong puti na suot noh! At yung sa best friend ko ay galing dun sa pinamimigay ng pabrika sa kanto namin.Pagdating namin sa bahay, pinagalitan si Mariel ng nanay nya. Kase naman binigay yung damit nya, eh pano kung cya naman raw ang magkasakit. May point si tita. Ako naman pagdating ko sa bahay at nakita na basang basa ako,pinagalitan din ako, bat raw di ako nagdadala ng payong. Panira kaya ng japorms yun. Nako natakot lang naman kase yung best friend ko dun sa tatay ng bata kase ang laking tao. Isa pa no use kung bibigay namin damit namin kase basang basa na rin kame… bait ko talaga!
Si Momon na kabarkada ko since high school, lage kong inaasar ever since, na sobra nyang itim. Kinukumpara ko pa siya sa puno ng narra. Minsan pa nga ang tawag ko sa kanya ay Nog-Nog. Never siya gumaganti sa akin, so akala ko okay lang sa kanya kase tumatawa pa nga siya lage kapag inaasar ko siya. Lately nagkausap kame, sabi ko miss ko na ang pang-aasar sa kanya, kase hindi naman siya napipikon. talagang sinagot nya ako, sino raw nagsabi na hindi siya napipikon??? eh sa sobrang pikon raw nya minsan eh gusto na niya ako sapakin. Ang bait ko talaga, di ko man lang naramdaman na napipikon na pala siya…
Usong-uso dati ang text, i mean ung playing cards ng mga bata, diba text ang tawag dun, o basta kung ano man ang spelling nun yun na yung tinutukoy ko. Sa aming magpipinsan paramihan dati kame nun at talaga namang todo ipon kame at may kanya kanyang lalagyanan kame. Ang akin ay Lata ng sky flakes at sa pinsan ko na isa ay ung lunch box na luma, kulay light blue iyon. One time na naiwan nya ito sa labas ng kanilang bahay, kinuha ko ito at tinago ko. Hanggang ngayon hindi pa nya alam na ako ang nagtago nito at hindi ko na rin alam kung saan napunta. Ang walang hiyang pinsan ko akalain mong meron pang isang lalagyanan ng mga playing cards na toh, isang maleta na kulay brown! Ang daya mas marame pa rin siyang cards kaysa sa akin!!!! Ang bait ko sobra! Akalain mong nakawin at itago ang laruan naming magpipinsan.
Meron kaming Korean classmate noong high school kame. Ako at si Michael Belmonte ang naatasang magturo ng tagalog rito kapag free time. Infairness talaga namang dibdiban ang pagtuturo namin dito ng mga tagalog words. Tumagal itong koreanong ito hanggang kame ay grumaduate, walang baksak at mataas ang grades lalo na sa Filipino Subject. Graduation day namin noon at oras ng hagisan ng toga sa ere. Nakihagis si koreano at sabay sigaw ng “P^T@NG iN@ NYO!!! WOHOOO” Lahat tuloy ng guro noong mga oras na noon ang sama ng tingin sa akin… Baket wala naman silang sinabi na mga mabubuting tagalog na salita lang ang ituro ko, diba?
Sabi ng iba masyado raw akong mabait. Minsan may sumpong pero I never missed a day to do good things in a day… Ang hindi nila alam…. i never missed a day to do bad things as well…