Since uso ang takutan! Ang blog na ito ay tungkol sa mga karanasan ko. Hindi sa shex kundi karanasan sa pagpaparamdam at pagpapakita ng iba ibang nilalang sa akin.
Alam ko malabo ang mata ko! Minsan pa nga ay apat ang mga ito, kung hindi ako naka kontak lense. Pero hindi ako naniniwala sa mumu talaga noon at lalong di ako naniniwala na may third-eye ako tulad ng sabi ng Nanay at Lola ko.
It all started nung namatay ang isa sa mga Lola ko. Oo marame akong lola. Siyempre ung mga Pinsan at Kapatid ng tunay kong Lolo eh Lola’t Lolo ko rin diba! O basta so Isa sa kapatid ng Lola ko ung namatay na Lola ko. Nahilo kayo? Oo ako rin nahilo, basta lola ko na lang siya ha.
Nasagasaan siya ng isang ten-wheeler truck, kase matanda na siya so medyo may katigasan na ang ulo at ayaw makinig. Ayaw namin na lumabas siya pero tumatakas. Ayun na disgrasya nga siya. Tinakbo siya sa ospital, isang buwan ata siya sa ospital, nahirapan siyang gamutin at maka-recover dahil may sakit rin siyang Diabetes. Napilitang putulin ang kanyang dalawang legs dahil hindi na kaya nito mag-recover from all the wounds at nabubulok na ito unti unti. So pinutol ito. Hirap na hirap na ang Lola ko. Pinag darasal nga namin noon na sana ay kunin na siya kung kukunin siya para di na siya mahirapan. Diba ganun naman talaga dapat, mas gugutuhin nating kunin na ng Poon ung nahihirapan na. Pero di pa rin siya kinuha, sabi may hinihintay pa raw ang Lola ko na dumating, mga anak niya na galing sa ibang bansa.
First Encounter
Isang umaga, nagising ako sa isang bangungot. Nagwawalis raw ako sa bakuran namin at nakita ko si Nene, ang katulong ng kapit bahay namin, at nangyare na ang di inaasahan. Ay wait erase, erase ibang kwento pala yun, Horror pala tayo ngayun. Ulit, so nagising ako mula sa isang bangungot, nagwawalis ako sa bakuran raw namin at biglang lumapit at nakita ko ang lola ko sa panaginip ko, kumakaway siya at nakangiti sa akin, sabay sinabi niya sa akin na, “Mabuti kang kapatid, alagaan mo sila, mauuna na ako.” Yan ang mga salita niya sa panaginip ko. At sa takot ko pinilit kong gumising. Pagkagising ko, tumambad sa akin ang mukha ng nanay ko, malungkot siya. Wala na raw ang Lola ko. Natulala na lang ako.
Second Encounter of my Lola
Noong Grade 6 naman ako. Retreat Day namin so excited ako. Kasama ko ang mama ko sa pagpunta sa Quezon Retreat House namin. So alam nyo naman ang boytoy kapag excited eh napapasayaw sa harapan ng salamin. Eh ang salamin ng parents ko sa kwarto nila e sobrang laki. Inimagine siguro ng tatay ko na nasa motel sila ni nanay. Sus! Parang SOGO ang dating prawmis! Anyway kanya kanyang trip lang yan. So nasa kwarto nila ako sa harapan ng salamin, sa likuran ko naman ay pintuan papunta sa corridor/hallway namin palabas, oppsss di kame mayaman basta meron lang parang corridor. So to cut it semi-short, kita ko ang ano mang nasa labas ng Pintuan namin. Ang nanay ko ay nasa loob ng washroom, naliligo siya. Eh alam mo naman ang mga babae matagal maligo yan! Kumpara sa akin na 10 minutes lang tapos na. So pa sayaw sayaw ako sa harapan nga ng salamin na Whole body mirror. Sa hindi ko maintindihan na pangyayare, natigilan ako sa harapan ng salamin. Mula pababa, kitang kita ko ang laylayan ng isang duster. Kulay Brown & Violet ito. Pumikit ako at pagdilat ko wala na. So tuloy pa rin ako sa pag sayaw. Hanggang pagtingin ko na naman, medyo lumapit ng kaonti ang laylayan ng duster. Medyo hinahangin hangin pa nga ito. So this time di ako kumukurap. Unti unti kong inaangat yung duster, ay este ung tingin ko sa salamin. Putcha DUSTER NGA, Iniaangat ko pa ang tingin ko. Gusto ko makita kung sino itong taong ito na nasa likuran ko. Kitang kita ko ang mukha ng Lola ko. Nakatitig siya sa akin. nakangiti. Parang gustong sabihin na ang galing galing kong sumayaw! Sa takot ko hindi ko kinaya ang powers ng horrifying scene na yun, sumigaw ako ng, “MAMA SI LOLA NANDITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!! MAMA LUMABAS KA NA JAN NANDITO SI LOLAAAAAAAAAAAA!!!” Sobrang takot ko talaga! Pag labas ni mama sa washroom, kinuwento ko ang nakita ko, ayaw niya maniwala sa akin, tinanong niya ako, anong kulay ba nung duster! Sabi ko Brown & Violet. Nagulat siya, yun raw ang suot ng lola ko noong nasagasaan ito ng ten-wheeler truck.
Simula noon, madalas na akong tinatayuan ng hmmmmm ng ahhh ano ba, pano ba toh, ng hmmm balahibo? Marame na akong nararamdaman.
3rd Encounter with a Myterious Being
High School, sa kwarto ko, iniwan kong bukas ang lamp ko. Madaling araw na noon, tulog na tulog ako at sarap ng panaginip, Ng biglang naputol. Ramdam na ramdam ko, may nag aangat ng ulo ko mula sa unan at sa pagkakahiga nito. Hindi ako natakot, hinayaan ko. Nananaginip lamang ako. Lalo akong umaangat sa pagkakahiga. Ramdam ko na ang pwesto ko ay paupo na ako sa kama. Iba na to, nag-iba ang ginaw sa kwarto ko. Malamig na hangin ang nararamdaman ko sa batok ko. Pinilit ko ng dumilat at ng makadilat nga ako kitang kita ko ang pwesto ko. Halos pa-upo na ako sa kama! At ramdam ko na meron akong katabi ngunit wala akong makita! Sobrang ginaw noong mga oras na iyon! Sa sobrang takot humiyaw na naman ang boytoy ninyo! Nagising lahat ng tao sa bahay. Sabi nila imposible naman raw dahil tulog na tulog na sila. Ang tatay ko, sa takot nilabas yung bayoneta niya at inikot ang buong bahay pati labas. Wala siyang nakita. Pero alam ko sa sarili ko, meron akong katabi na something at iniangat ang ulo ko sa pagkakahiga.
4th Encounter of a Spirit in Mindoro
bakasyon, dalawang buwan. Sa San Jose, Mindoro kasama mga pinsan ko. Naisipan naming mag beach ng gabi since libre ang beach roon. Ang gagu kong pinsan dinala kame sa Beach na merong sementeryo mismo sa tabi nito. Tawanan, habulan at harutan kame. Maya maya lumamig ang hangin, sabi ko natural lang iyon dahil gabi na at nasa beach kame, open area so very common. Pero ibang klaseng lamig ito! Katulad ng lamig na naramdaman ko sa kwarto ko noon. Sa likod. Oo sa likod ko nanggagaling yung lamig. Patuloy na tumatawa ang mga pinsan ko at naghaharutan. Ako natigilan at unti unting lumingon sa dalampasigan. Kitang kita ko ang isang babae, nakapusod ang kanyang buhok, nakaputi na gown. Sabi ko sa sarili ko sino itong tarantadong babaeng ito na mag gogown na sa dagat pa! Unless galing siya sa wedding pictorial. Tumingin siya sa akin. Nahindikan ako sa scene na un at nanlaki ang aking mga mata. nakatayo lamang siya sa sand, hindi gumagalaw at untin unti umaatras cya papunta sa dagat. unti unting lumulubog siya. Bigla akong nagpanic, minadali ko ang mga pinsan ko, sabi ko may babaeng nagpapakamatay tara sagipin natin. Sabi ng insan ko na taga Mindoro, ay imposible yun, dahil wala ng tao sa beach na yun, kame lang, tama siya sino ba naman ang mag bebeach ng 3 a.m. diba! Pero pinilit ko siya sabi ko meron! Merong babae akong nakita na sumulong sa tubig. Natakot na kameng magpipinsan kaya umuwi na kame. Kinaumagahan, na curious ako sa beach na yun. Pinuntahan ko kasama ang Pinsan ko ulit ung beach na merong sementeryo sa mismong tabi nito. May kwento pala ang sementeryo na iyon. Noong nagkaroon raw ng matinding bagyo sa Mindoro, inalon ang mga puntod sa sementeryo, isa sa mga puntod nito ang napunta sa dagat. Tinuro ng pinsan ko ang puntod na inalon. Kitang Kita ko ang isang cross sa gitna ng laot. Sabi pa ng insan ko, puntod ng isang babae ito. Na nilunod ng mga lasenggo sa kanto. Tumayo ang mga balahibo ko sa sinabi ng Pinsan ko. Ang babae sa puntod at ang babae na nakita ko noong madaling araw kaya ay iisa? Hindi ko alam. Hanggang ngayon ayaw ko maniwala.
Oo, hanggang ngayon di pa rin ako naniniwala sa mga nakikita ko. Siguro mga guni-guni ko lamang ito. Pero Hindi lang apat na beses nangyare ito sa akin. Marameng beses na. Ang importante di tayo mawalan ng FAITH kung tawagin. Kayo? Hindi kayo naniniwala sa multo? Baket? kase di pa kayo nakakakita? Eh ang hangin, di nakikita pero alam mo nandiyan.