Marameng beses ko ng nararanasan ang makaramdam ng pagka-GUILT. Marameng beses ko na rin naramdaman na may masamang nangyare sa isang tao dahil sa kagagawan ko. And I’ll tell you now, hindi siya masaya!
Noong nag-aaral pa ako sa Catholic school, ilang beses na guidance ang barkada ko noon. Nahuli kaming nag-dra-drawing ng “malalaswa”. Ang una eh mga salita lang naman, iniisip namin noon na kunwari ay nasa likuran sila ng damuhan, naaalala ko pa ang itsura nung drawing namin na yun.
Yan ang dahilan kung bakit kame na-guidance ng kaunaunahan beses. Grade 2 ako niyan alalang-alala ko pa habang umiiyak ang dalawa kong kaklase noon dahil pinatatawag ang aming mga magulang… Ang tinuturo nilang dalawa na promotor eh ako. Actually tama nga naman sila, ako ang nagsimula, pero sila naman ang nagtuloy!
Hindi nila ako pinansin na nun tuloy, pero makalipas ng isang quarter, eto na naman kame nagkasama sama, this time mas realistic na ang art namin.
So alam nyo na ang sumunod! Yes! Na Guidance na naman kame!
Nauso noon ang cards or text kung tawagin noon, yun ung may mga comics na maliliit at yung may mga cartoon characters! Paramihan kami noon na magpipinsan! Okay guilty na naman ako dahil kinuhanan ko ng cards yung pinsan kong nakakabata sa akin! Tinago ko ito! wahahahaha para pag di na niya mahanap, mas marame na akong cards sa kanya!
Ugali ko noon ang mang-horot, okay sige guilty na ako, maharot pa rin ako hanggang ngayon, pero mas maharot ako noon! may party noon debut ata, uupo ang babae kong pinsan sa upuan ng bigla ko itong hinatak! Umiyak tuloy ung pinsna ko dahil deretso sa sahig ang puwet niya, pusong mamon pa naman yun. Tsk! OKAY GUILTY!
Meron kaming noong kaklase noon High School na mahirap at medyo mahina sa klase! Lage namin siyang tinutukso sa loob ng classroom, hindi naman ako kasali. Pero sa loob loob ko lagi kong naiisip na, “Ano ba yan! Para namang sira kase naman itong lalaking toh eh!”. Ayun nag stop siya sa pag aaral dahil hindi na kase kaya ng magulang niya na pag-aralin siya! Tapos after namin grumaduate sa high school, nabalitaan naming tinamaan siya ng ligaw na bala at pumanaw na. WAHHHH GUILTY AKO! Buti na lang hindi niya ako minumulto!
Minsan may nasusugatan sa kaharutan ko, may nauumpog, may nasusugatan sa labi, may nagkaka bukol, may dinudugo, may nag-e-enjoy sa sakit, nakaka-guilty kaya yun!?
Ngayon may maalis sa trabaho dahil walang task na naka assign sa akin! Since wala akong task, ang task nitong kasama ko sa trabaho ang ibibigay sa akin. Okay lang raw ito dahil aalisin na lang nila itong empleyado nilang ito. Somehow I feel special dahil imbes na ako ang mawalan ng trabaho, eh ginawa nila ito ng paraan. Yun nga lang! Siya naman ang mawawalan ng trabaho dahil sa akin! Ampness nakaka-guilty!
Maraming beses na ako nakakaramdam ng guilt sa aking katawan. Pero anong magagawa ko, I was born with it. The Guilt to live life and The Guilt to Survive!