Oo, alam ko at updated ako sa lahat ng nangyayare sa Pilipinas. Hindi lang eleksyon ang uso. Pati bagyo nauuso na naman.
Si Ondoy. Yan ang latest. Sa mga nakita ko sa TV at sa internet, grabe ang naidulot nitong bagyong ito sa ating bansa. Naging mistulang karagatan ang mga noon at puno ng mga tahanan.
Marameng namatay at nasalanta sa bagyong ito.
Kung mapapansin natin ang pnahon ay nagbabago. Nagiiba. Ang dapat ay pati rin tayo nag a-adjust sa pagbabagong ito. Dapat handa tayo sa mga ganitong uri ng kalamidad.
Noon hanggang tuhod,ang baha… Lumipas ang ilang taon, baha ay umabot na ng leeg.
Pero ano ginawa natin upang ito ay masolusyunan? Wala.
Hinayaan lang natin. rason natin dahil ito sa mababang lugar kaya ito binabaha.
2009 na, umabot na ng hanggang 2nd floor ng mga bahay ang baha. Ano ang ginagawa natin upang solusyonan ito? Wala.
Hinihintay natin muli ang ating gobyerno na kumilos para tulungan ang mga nasalanta. Ngunit hindi ito ang solusyon sa ating problema. Hindi pwepwede ang way of thinking natin na… Next time ulit na bumaha o may kalamidad na ganito mag donate muli tayo. dapat ang iniisip natin ay ang SOLUSYON sa ating problema.
Tama na magtulungan tayo. Maganda nga ito. Pinakikita natin na kapit bisig nating hinaharap ang problema. Ngunit ano ang mga hakbang na ating ginagawa para hindi na maulit ang mga ganitong pangyayare?
Mga bahay na tinatayo sa mga danger zone. Mga eskenita na tinatayuan ng bahay. Mga punong pinuputol sa kagbubatan. Mga basurang tinatapon kung saan saan.
Ilan lamang ito sa mga bagay na maling ginagawa at mag pa sa hanggang ngayon ay nagaganap sa Pilipinas.
Sana naman matuto na tayong mga Pilipino. Huwag na tayo maghintay na umabot sa punto na wala na ang buong Maynila sa mapa ng Pilipinas. Baka ang mangyare sa atin eh maging Lake Manila na lang ang Manila.
Lumipas ang bagyo, dumating ang isa pa… at marame pang darating na bagyo at daraan. Hindi tama na sabihin na “Okay lang yan, sanay naman na tayong mga Pilipino sa hirap eh!”. Kumilos naman na tayo! At gumawa ng paraan. huwag natin hayaang maulit pa itong pangyayareng ito.
MINASAKER NI ONDOY ANG MAYNILA. ANO ANG GAGAWIN MO UPANG HINDI NA ITO MAULIT?