Breaking News

Si Deniece at Vhong

Ilang linggo na rin ito umiikot ikot sa mga newspaper, sa TV at sa ibat ibang social media sites.

So since hindi pa nakakabalik si Vhong Navarro sa kanyang regular noon time show na “It’s Showtime” eh maglalabas ako ng mga opinyon ko na nauukol sa issue na kinakasungkatan nla Deniece Cornejo at Vhong.

Unang una, hindi dapat natin pinag aaksayahan ng panahon ang mga ganitong issue sa ating bansa. Mas maraming malalking problema ang Pilipinas na dapat pag-tuusan ng pansin ng nakakarami. Tulad nyang POrk Barrel Scam. Ang laganap na iba’t ibang klaseng krimen sa Pilipinas. Maraming ibang bagay na dapat tayong unahin kaysa sa issue ni Vhong at Deniece. (The irony since this post is aiming on same issue bwahahaha)

Pangalawa, hindi lang si Vhong at Deniece ang nagka issue ng ganyan. Marame na nabalita na mga issue at scandal. Tulad nila Chito Miranda at Wally Bayola. Yung mga nagkalat na celebrity sex scandals sa atin. Hindi pa na bago yang ganyan na mga issue sa atin. Ang totoo ay mahilig kasi tayong mga Pilipino sa chismis kaya tayo nakatutok sa mga ganitong bagay.

Pangatlo, ang bilis ng NBI kumilos pagdating sa sa pagresolba ng issue nila Vhong at Deniece. Samantalang kapag issue ito ng isang common na tao lamang, eh good luck sa prosesong pagdadaanan bago matapos at malaman ang katotohanan.

Pang-apat, nakit walang nagtatanong kay Vhong kung baket kailangan niyang pumunta sa condo ni Deniece noong January 17, 2014? Bakit lahat ng focus ay nandoon sa pagsisinungaling ni Cedric Lee at ni Deniece?

Pang-lima, gusto ko yung One-Minute Dance Craze.

Pang-anim, Bakit walang naniniwala kay Deniece? Kahit ako eh, hindi ako naniniwala sa kanya. Isipin mo One-Minute lang tinagal upang magahasa siya ni Vhong!?

Ika-pito, nakabalik na ba si wally Bayola sa Eat Bulaga?

At the end of the day, tuloy pa rin ang buhay nating mga Pilipino. Amaze man tayo or hindi sa mga nangyayari sa buhay ng mga public figure sa ating bansa, eh tuloy ang buhay. Sana lang eh maisip natin na mas maraming nangangailangan ng ating awa at suporta. Yung mga taong nasalanta ng mga kalamidad noong nakaraang taon. Ang mga taong naghihirap hindi dahil sa katamaran kundi dahil sa pangungurakot ng ating Pamahalaan…

Marami talaga tayong problema. Hindi lang si Vhong at Deniece or kahit si Cedric ang nagkaka problema.

Marami pa sana akong sasabihin pero iisa lang ang pinaka-gusto ko. Punta ko sa Condo mo at magdadala ako ng Foods!

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …