Ending. Done. Finished. Baket?
Isa ito sa mga tanong ng karamihan sa atin. Bakit nga ba natatapos ang isang bagay na napaka ganda. Paano nangyayari na ang isang bagay na nagmula sa kasiyahan, magaganda at masayang moments, ay nag wawakas. Nagwawakas sa kalungkutan.
Siguro hindi kayo para sa isa’t isa. Siguro may ibang taong nakalaan sa iyo at nakalaan para sa kanya. Karamihan sa atin naniniwala na may taong nararapat sa atin. Maybe one of the reason is because one is doing eveything to save it and the other is finding ways to end it.
Maybe you didn’t deserve that kind of relationship. Always remember na as a good person, you will always deserve all the good things in life. You deserve a good person. You deserve a good relationship. A relationship that is worth keeping.
Maybe the relationship you had, was meant to teach you. It was meant to teach you how to be strong. Teach you the importance of loving your self more than anything else. Kasi wala naman talagang ibang mag mamahal sayo kundi ang iyong sarili. Walang ibang iintindi sayo kundi ikaw mismo. Hindi naman pagiging selfish ang pagbibigay ng imporantansya sa iyong sarili. It was God who gave you that gift we call Life. Kaya hindi ba sabi nila pahalaghan mo ang iyong buhay dahil nag iisa ito. Kailangan natin ito matutunan. Mahalin ang ating sarili, upang sa tuwing may hagupit na mararanasan, kakayanin na natin ito.
Dapat nating tatandaan, hindi dito natatapos ang buhay. Hindi ito ang katapusan ng mundo. Katapusan lamang ito ng isang kabanata o yugto sa ating buhay. Likas sa atin bilang mga tao na magmahal, at dahil dito, kahit ilang ulit tayong masaktan, ilang ulit tayong mag-fail sa mga relasyon, patuloy tayong maghahanap, maghihintay ng tamang pagmamahal. At muling mag-sisimula.
Yun naman ang isa pang importante, ‘di ba? Yung magsimula ka muli. Yung magpatuloy ka. You continue to hope that time will come, makokompleto ka rin.
So bakit nga natatapos ang ibang relasyon? Kase wala naman forever. Meron Lifetime, pero walang forever. Bakit? Kase ganun siya. Kung may umpisa, may dulo. Kung may start, mayroong finish. Kung may beginning may ending. Kung may umpisa, may dulo. Eh kase lahat naman may katapusan. Lahat naman kase may hangganan. Lahat may dulo.
Oo, lahat may dulo. Subalit lahat naman rin naman may simula. May start. May beginning.