Marameng relasyon ang natapos at naputol ng dahil sa dami rin ng mga nagkalat na manloloko. Mapa-lalaki o mapa-babae, iba’t ibang hugis, kulay at anyo.
Anu-ano nga ba ang mga dapat mong gawin, if you suspect someone is cheating on you?
Know the Truth.
Yan ang pinaka una, kailangan patunayan mo muna. May solid proof ka. Either napanood, narinig o nabasa mo. Hindi pwedeng ipagka-tiwala lang sa sarili mong instinct na niloloko ka niya. Hindi sapat ang feelings bilang basihan. Dahil baka may ibang rason kung bakit yan ang nararamdaman mo, at ibang rason kung bakit niya pinaparamdam yan sayo. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang may feelings. Unless nakipag relasyon ka sa isang tuod. If you are trying to validate your own feelings, you must not invalidate yung feelings rin niya. Kasi hindi ba maraming pwedeng maging rason kung bakit nanlalamig ang inyong relasyon.
Kaya know the truth and facts because that will be the basis of your next move.
Sunod, if proven na tama ka, at totoong niloloko ka niya, decide. if kaya mo siyang mawala sa buhay mo or kaya mong ipaglaban yung nararamdaman mong pagmamahal sa kanya. Remember na you always have a choice. Pwede mong i-save yung relationship niyo or let go of it. At sa desisyon mong gagawin, kailangan mong maging handa.
Be Brave.
Kailangan maging handa alinman yung piliin mo. Maging matapang ka dahil sa kahit alin sa choice na yan, may pros and cons. In every action, there is an equal and opposite reactions.
When you decide to end it, kailangan sigurado ka. Dahil dadaan ka sa isang yugto na malungkot at masalimuot.
And when you decide to continue the relationship and your able to forgive the mistake, then kailangan mo namang magkaroon ng tapang para tanggapin siya muli.
Either way, dapat no regrets.
Pero sabi nila, it does take two to tango. Oo, hindi siya perpekto, pero hindi ka rin perpekto. There is always two sides of the story. Hindi mo pwedeng sabihin na wala kang pagkukulang. Minsan maaring sayo maliit na bagay pero para sa kanya its a big thing pala. Pwedeng para sayo mali pero tama para sa kanya.
Sa huli, kailangan mo manimbang. Dito mo malalaman kung gaano mo binibigyan ng importansiya ang sarili mo at ang relasyon ninyo. It’s not wrong to fight for something precious, but it is also not wrong to love your self.