Breaking News

Pilipinas, Game Ka Na Ba?

Kahapon ay pinagdiriwang nating mga Pinoy ang araw ng People Power Revolution noong 1986 laban kay FerdinandPpol Power by Goturboegon Marcos. Halos lahat ng Pilipino sa lungsod ay nagtipon-tipon at nagsama-sama. Mga madre at pari nasa gitna ng kalye upang harangin ang mga tangke. Mga Pilipinong nagkapit bisig. Talaga namang walang katumbas ang mga oras at araw na iyon. Napakagandang isipin na ang bawat isang Pilipino ay handang ipaglaban ang Pilipinas kahit pa katumbas nito ay ang kanilang buhay. Napaka sarap isipin hindi ba?

Nakalipas ang ilang dekada, ano na ang pinagbago ng Pilipinas mula ng bumaksak ang “Marcos Regime”? Gumanda ba ang buhay ng mga Pilipino simula ng naganap ang EDSA Revolution?

Vector Art by Goturboegon

Dumaan ang dalawang presidente, si Ginang Cory Aquino at si Ginoong Fidel Ramos, ng muling sumiklab ang EDSA II kung tawagin laban kay Pres. Estrada. Muli nagtipon ang mga Pilipino sa EDSA upang magsama-sama at magkapit bisig.

Nakalipas ang taon na iyon, ano na ang pinagbago ng Pilipinas mula ng bumaksak ang Administrasyong Estrada? Gumanda ba ang buhay ng mga Pilipino simula ng naganap ang EDSA II Revolution?

Ngayon ay si Ginang Arroyo na ang nauupong presidente ng Pilipinas. Maraming beses na nagtatangka na pabagsakin muli ang administrasyong ito. Meron pa nga noong nangyare na tinatawag na EDSA III, laban sa kanya. Ngunit hindi ito nagtagumpay.

Ako, ikaw, sila, tayong lahat na Pilipino, ilang EDSA Revolution pa ang kailangan nating gawin upang magbago ang Pilipinas? Ilang Administrasyon pa ang kailangan nating pabagsakin upang maisip natin kung ano ba talaga ang dapat. Kailangan ba talagang tularan ang naganap na pinaka unang EDSA Revolution? Dapat ba talagang tuwing walang magandang nagagawa ang Presidente ay magtipon sa EDSA at subukang pabagsakin sila?

Naisip na ba natin na baka hindi lamang ang Presidente ang may kasalanan kaya ganito ang Pilipinas ngayon? Naisip na ba natin na baka tayo mismo na mamamayanang Pilipino ay may pagkukulang din?

Naisip ba natin na kapag hindi natigil at patuloy nating tinutularan ang EDSA I, ay hindi lamang EDSA II at EDSA III ang mangyayare sa atin? Baka umabot tayo ng EDSA XVI bago tayo maumpog.

Kung mag People Power naman ang mga Politicians laban sa mamayanang Pilipino, ano kayang mangyayare?

Kung ikaw ang Presidente ng Republika ng Pilipinas, ano ang gagawin mo? Sure ka na ba?

About umleo23

Check Also

Inutil?

May nabasa akong post just now from a influencer/financial coach in regards sa isang online game that earn money using cryptocurrencies. …